Walang katulad ang pulitika sa Pilipinas. Nakakabilib talaga ang mga Pinoy, walang katulad.
“Kialala sya sa Makati dahil nandito sya for twenty one years. Ako, sikat ako sa buong Pilipinas, artista ako eh!” -Lito Lapid tungkol sa pagtakbo nyang mayor ng Makati City.
Sa lahat ng mga pulitikong artista, pinakanakakainis at pinakanakaka-HB si Lito Lapid.
Kung nag-iisip ka nga naman talaga, sasabihin mo ba yan? On national tv? Utang na loob!
Hindi naman talaga ako against sa mga artista na pumapasok sa pulitika. Medyo lang. Pero hindi ko naman nilalahat. Sa katunayan nga, gusto kong manalo si Ate Vi sa Vatangas.
Last semester, kumuha ako ng POSC10 para, wala lang, may alam ako sa pulitika at gobyerno sa bansa. Swerte ako, naging guro ko si Dr. Saniano. Kahit medyo nakakaantok ang boses nya, nakakagising naman ang mga facial expressions at body movements nya.Hehe. Buti na lang pinili kong gumising, madami talaga akong napulot sa kanya (kahit di ako nagsusulat sa dami ng sinasabi nya. Salamat na lang kay Ate Chel na nagpapahiram ng notes pag malapit na ang exams).
Pagkatapos ng kurso na yon, nasabi ko na bulok talaga ang Philippine Politics.
Ngayon, tumatakbong konsehal ang nanay ko dito sa Tagaytay. Pero hinde, hindi sya trapo. First time nga eh. At lalong hindi sya kurakot. Yun nga, trapo na din yung kurakot. Pero hindi sya one of them.
At eto na nga, ibang klase talaga ang mga Pinoy.
Umaga pa lang, may nambubulabog na sa bahay namin. Mga nagpapa-awa. Nanghihingi ng pambiling gamot kasi may sakit daw ang anak nila. Ang nanay ko naman, nagkataon na gising na at nagdidilig ng mga orchids nya, eh nagbigay nang kaunti. Hindi yun suhol. Hindi naman nya sinabing iboto sya eh.
Sa mga sumunod na araw, maraming ganitong instances.
May mga solicitation letters. Madami. Nanghihingi ng pera para makapagpatahi ng uniform para sa liga, pambili ng bola, o kahit ano lang.
Nakakatawa pa. May nagpunta sa bahay naming nanghihingi ng pamashe pauwi. Tinanong kung saan nakatira at kung saan uuwi, sa Tolentino daw. Kamon! 10 minutes lang yun simula dito sa bahay. Kamusta naman yun? Nagpunta sya dito para manghingi ng pamashe pauwi. Haha!
Nakakainis na. Nangaabuso kase. Kaya tuloy yung nanay ko nagtatago na minsan.
At take note, di pa naman nananalo ang nanay ko, tumatakbo pa lang.
At si kuya pa, palaging nagjo-joke. Tuwing may nagdo-doorbell, lalabas sya, pagpasok nya ulit, sasabihin nya, may naghahanap daw sa nanay ko, nanghihingi daw ng pangload. O kaya naman nanghihingi ng gamot...sa tagihawat. Hahaha! Syempre, joke lang nya yun.

No comments:
Post a Comment